ASOCIACION DE LOS VETERANOS DE LA REVOLUCION
Directorio Central
323-D. Lara, San Nicolas, Manila
P A G B A TI
Sa pag sapit ng ika-58 guning-taon (anniversario) ng unang araw ng Kongreso-Rebulusyonario sa Malolos ay minsan pang nagbalik sa aking alaala ang mga makasaysayang pangyayari na naganap sa nasabing bayan at sa simbahan ng Barasoain.
Ang akka ko ay malalagay na sa hustong pagkalimot ang mga hindi na mapapantayang pangyayari sa bayang unang kinatirikan ng Republika Filipina.
Salamat, at sa panahong aking ginugunita ang kasaysayan ng ating kaapon ay may mga samahan pa ng mga kabataan sa Malolos na kung tawaging ay JAYCEES , na binubuhay pang muli ang mga gintong pangyayari sa dahon ng ating pambihirang kasaysayan.
Sa huli, ang ganitong paggunita ay mangyaring maging simula ng taong-taon pag diriwang natin sa Malolos, na sya pa naman unang kinakitaan ng ating pagkamalaya.
EMILIO AGUINALDO
Kawit, Cavite, Agosto 20, 1956